Busy Days and Rest Days Nagbabalik
Weee!!! Heto na naman tayo! Napag-isip-isp ko na maganda yatang ibalik ang nakaraan kung paano ako nagsusulat ng blog. Seems nawawala na rin ang passion ko for blogging but there are times naman na kailangan ito para naman masasabi ko talaga na dito ko nada-divert ang vices ko… naks! Naaalala ko yung mga kataga ng isang blogger before. Boring daw, dry at may sariling mundo ang blog ko. aminado naman ako, hehehe… Di po commercialized at sinasabi ko sa inyo, di kumikita ang adsense. Pero di bale, as long as may nagbabasa at napapa-isip, kuntento na ako… ikaw yun! Ipagpatuloy mo lang at nang may malalaman ka pa sa mga babasahin mo, hahahah!
Kaya ito, nagssusulat, nagtitipa sa keyboard habang nag-iisip kung anong uunahin ko sa araw na ito: drafting ng periodical tests in preparation for the third periodical exams dito sa high sschool or… eh, ito na nga inuna na ang blogging, lols! Kapansin-pansin naman talaga na matagal na rin bago nasundan ang blog entry ko. Anyways, promise, and I promised to myself to finish all my test drafts and lesson plans until tomorrow kahit na may soccer practice ako mam’yang hapon. Di bale na kahit kulang pa rin ako sa pahinga during the weekend basta ba masaya ang simpleng buhay na ito. Besides, I’m looking forward for the outing with Brother Ted sa Glan, Saranggani Province… Teka, napag-usapan pala namin na after classes ‘yun! Wahhh! Medyo matagal-tagal pa pala. Isasama ko ang ilang piling estudyante ko; isa na dun si Roswell. Excited na ang batang yun, lols! Syempre, kasama ang kanyang buong family. That’s the plan nung nalasing nag-bonding kami ni big brother, hahaha!
Examination days na naman ng mga high school students namin. Sometimes, parang di ko naiintindihan kung bakit ako ang nag-aaral ng kung ano-anong nasa lesson namin for the week. E, di naman ako ang mag-aaral, lols! Pero, alam ko naman na nararapat lang na natutunan ko kung ano ang dapat naming pag-aralan. Titser nga raw, pero kung minsan… ewan…. “I am religious brother first, before I became a teacher,” ika nga. Natututo na rin ako sa mga estudyante ko na parang mga classmates ko lang naman. At bakit? Dahil sabay-sabay kaming nag-aaral, at look-like magkakasing-gulang lang; yun nga lang, facilitator ang role ko. May mga araw na I’m bored, walang motivation; yung pang “Big Bang” na motivation, yun bang gulat sila sa mga natutunan nila, hahaha! Wala minsan. Sometimes naman, isang kataga lang, kulang pa ang isang oras sa discussion and interaction ng klase, parang seminar-workshop. Mahirap nga magturo ng Values than natural science or math or english. Na-tempt din ako na makipagpalit ng subject sa isang baguhang titser, “Ma’am magpalit tayo ng classroom. Ako magturo ng electricity, ikaw dito sa Values class ko.” Hahahah! See? Kasi naman po, kung anong itinuturo ay dapat rin’g isabuhay. Values po ito, as in V-A-L-U-E-S! That questions my way of life, my own values. Kaya challenging, di po ba? “Buti na lang, nagagabayan ako rito sa bahay.
Bilang isang guro, one thing na pinasasalamatan ko sa D’yos ay ang mga biyayang pinagkakaloob nya araw-araw: “Passion for him, compassion for people.” That’s a challenge from our Marist Spirituality. Basta! Isang simpleng buhay para sa iba, masaya na ako but hey, I need prayers for that… Would you pray for me? Uy, thanks! you just prayed for me!
Till next time!
Aliwin mo muna sa mga pics namin mula pa nung teachers’ oath taking, xmas party ng SMC advisory, christmas at mga ilang larawan with my family during my xmas vacation:)



On this day..
- Monk and the modern world - 2007
- Cuatro cantos - 2007
- Leuluaialii what? - 2007







The Itinerant - MyBlogLog said:
chaXxie said:
hmpz…
[Reply]
jeniffer said:
iba talaga ang nagagawa ng blogging eh noh?
Join us for our tribute campaign for senior bloggista.. See http://painuminmoko.idlip.net for more details..
[Reply]