A Confession of a Young Priest
A very young priest confronted with his sexuality
Brother,Nangyari ito kaninang umaga lamang. I was on my way to one of the religious schools sa Cubao. Maaga pa but maraming tao na ang nag-aabang ng train from Santolan station. I travel every Friday morning by train, actually. But just today, kakaiba ang aking karanasan. I usually give my seat to others kaya kadalasan din akong nakatayo and sumasandal na lamang sa may malapit sa pintuan kung saan bumubukas para lumabas. It happened na ok naman ang aking pakiramdam kanina; di gaanong malamig or maaliwalas. Pagsandal ko, napapikit pa nga ako para makapag-relax ng kunti but nagsimulang magsiksikan sa loob ng tren and doon nangyari ang di ko inaasahang pangyayari sa araw na ito.
May dalagang nakatayo sa aking harapan, nasa edad 18 hanggang 21, maganda sa aking paningin, maputi at makinis ang kutis, flawless, isang typical na estudyante. Masasabi ko na kahalintulad siya ng aking ex-gf noon, I recalled her at once. Nakaharap siya sa pintuan, natatingin sa malayo, ganun din ako, sa labas nakatingin. Biglang lumarga ang tren, nawalan sya ng balanse at naisandal nya ang balinkinitang katawan sa akin. Nabigla ako at natulalang sinapo sya. Naramdaman ko ang kinis ng kanyang mala-sibuya na kutis. At the next station, more people got in to the tren and doon nagsimulang mag-init ang aking pakiramdam. I became conscious of her presence and di lang yun, kundi magkadikit na ang aming mga katawan dahil nga sa nagsiksikan na. As if she was telling me of something na gusto ko ring marinig from her. Di ko alam. I can smell her fragrance, na animoy very tempting to brush her hair. Mas matangkad ako ng bahagya and that’s ideal for me. I was turned on and random flashes of lusty images came to my mind. I shut my eyes and prayed and yet di ko napigilan ang bugso ng aking damdamin like lumakas pa lalo ang heartbeat ko. Nilagnat ako bigla dahil sa kanya. Sa Anonas station, nagdagsaan ang mga pasahero at doon talagang sumandal na sya sa akin, kulang na lang na humawak sya sa aking mga braso dahil wala naman talaga syang mahahawakan na pinakamalapit na railing. May ipinapahiwatig ba sya?
I tried not to think further of any lusty thoughts pero di ko nakaya. Dumikit ang kanyang balakang sa aking harapan. Nataranta ako at di alam ang gagawin at iisipin. Di na ako makaurong pa dahil wala nag space para nga umurong. Ilang sentimetro na lang at pwede ko nang halikan ang kanyang pisngi o tenga, pababa sa leeg. Pati ang kanyang hininga ay nararamdaman ko animoy nakikipagkarerahan na rin sa aking hininga; napakabighani nya talaga. Sa kalagitnaan ng aking di napipigilang pagpapantasya sa kanya, bigla syang gumalaw at tumingin sa akin nang nakaramdam siguro na kanina pa nakadikit ang kanyang balakang sa aking harapan na parang di rin makakapagpigil. Nakaramdam ako ng hiya ngunit balewala akong bumaling sa labas mula sa pagkakatitig sa kangyang dibdib. Sa iilang minuto lang, marami na ang naganap sa aking isipan.
Sa wakas, nakarating na ako sa station na aking bababaan. Sa Belmonte, at sa huling pagkakataon, “Excuse me, miss…” ang sabi ko at bigla ba namang iharang ang katawan habang papalabas ako o baka nga ibinangga ko ang aking katawan sa kanyang likod. Di ko alam, litong-lito ako. Patawad. Mistula akong robot na lumakad patungo sa school na ang iniintindi ay ang pakiramdam na naiihi na hindi naman. Humanap kaagad ako ng malamig na tubig nang makapasok na ako sa loob, uminom sa fountain at tinungo ang CR. Sa loob ng klase, di ako napakali. Di ko lang alam kung nakahalata ang aking mga estudyante. Nagmamadali akong umuwi pagkatapos ko silang i-dismiss.
This is not the first time, but yung mga huli, I was confident na kaya kong i-tame ang aking sarili dahil nga sa marami na akong pinagdaanan at napag-aralan ko na rin ito sa buhay bilang pari. Di pa ako umabot ng trenta ngunit masasabi ko na mature na ako at alam ko kung anong papel sa buhay meron ako. Ngunit kanina, nalito ako…
Brother, that’s all I can remember. Salamat sa pakikinig.
Shared without hesitation











Lazarus said:
A temptation most common to men.
I can only imagine. It’s good to recall 1 Cor 10:13 in the Holy Book.
[Reply]
ghee said:
o tuksoooo,layuan mo ako!!haha!
Vince,mas revealing yata to kesa sa post ko
ikaw ay tao lamang at naturalmente na makaramdam ng lust sa isang babe na maganda at mabango
ligo ka na lang ng malamig na tubig bago mag pray,hehe..
[Reply]
Balong said:
ateee, di ako yan, hahaha! hmm, obvious ba? hehehe…
[Reply]
nona said:
yet another juicy and very honest post!…lol! uso ba? hahaha!
Tao ka lang din kuya, may pakiramdam…sensible pero at least alam mo kung hanggang saan ka lang…
buti na lang, nakarating ka na sa paroroonan mo or else….?
[Reply]
myepinoy said:
Bro,
hindi lang ikaw ang dumaranas ng mga bagay na ganyan kami ring mga taong may mga asawa na. Akala mo ba madali sa aming mga tapat na mister ang magpakatapat sa aming mga misis, aba napakahirap din kasi tulad mo, tulad ng lahat, parepreho tayong tao.
Ang mahalaga, alam natin kung tama ba o mali ang gagawin natin.
Sa mga oras na yon na pinagdaanan mo, magulo talaga kasi kahit kanino meron dalawang boses na nagtatalo sa yo, pari ka, lalaki ka, pari ka, ngayon lang, pari ka, sige lang….
Ganon din po kami. At tibay n pagkatao ang mananaig.
[Reply]
angelblush said:
Shared without hesistation talaga. We all go through that. I mean the temptation part.
What matters is.. the end results.
I salute you! -_-
[Reply]
Leah said:
Ikaw ba yan? Makata ka pala.
The spirit is willing yet the flesh is weak..Be strong.
[Reply]
howling said:
Wow Vince. This is really tough. I hope this philosophy makes sense:
You are only human and God made you a slave to your desire. If there is a benevolent God, He will forgive your transgressions, in which case you go to heaven: your gain here is infinite. You’ve tasted heaven both in body and spirit.
Or you deny your humanity and there is a forgiving, benevolent God, in which case your spirit will go to heaven but your gain is finite.
Or you deny your humanity and the existence of a benevolent God who will forgive your transgressions, in which case you will go to hell. Your loss is infinite.
Just a thought.
[Reply]
iskoo said:
maganda talagang magaganda at kutis mayaman dyan sa lrt2, buti nalang di ako teligious brother, pwede ako makipagsisiksikan sa maggandang dilag, hehehe.
dont worry vince natural lang yan, eh kasi tao ka at lalaki, pero ang maganda alam mo limitations mo at alam mo controlin.
[Reply]
Ann said:
Natural lang sa tao yan kasi may pakiramdam tayo, nasa sa iyo na lang kung paano kontrolin ang sarili mo. Ikaw man yan o hinde ok lang, aminin mo na…hahaha!
[Reply]
Pooch said:
hello!
napadaan lang at nagbblog hopping.
Kilala mo ba si St. Thomas Aquinas?
Isa siya sa mga paborito kong philosphers. Bukod sa kanyang wisdom and contributions in proving the existence of God, mayroon din siyang matinding self-control.. Kaya mo yan!
[Reply]