Walang kwenta ngunit may kabuluhan…?
Title pa lang, malabo na…
Katatapos lang ng spiritual direction at tila ba parang kulang ang isang oras na ginugol sa kwentuhan. Maraming dapat pag-usapan tungkol sa nangyayari sa aking buhay-espiritwal mula noong nakaraang buwan. Ngunit alam ko na may kadahilanan ang lahat na di lahat ng bagay ay nasasabi kagaad dahil wala namang kwenta at kabuluhan. Pero di pa rin yun! Ilang minuto na lang at malamang tulog na ako ngunit di ko man lang naiisip ng lubusan kung ano ang mga gusto kong sasabihin. medyo malabo, di naman inaantok. Nakikinig sa panggabing musika sa radyo, love songs, ika nga. Pero tila walang kwenta, di ako nakaka-relate. O baka nga di lang ako productive ngayon, walang maisulat o maisipang topic to reflect on. Naiisip ko tuloy kung bakit nabanggit ko sa aking director ang aking pagwe-weblog. Hayun at hiningi nga ang URL. Medyo balisa ako dati ngunit tama lang din naman. Kung ang mga nagbabasa ay di ko kilala at di rin nila ako kilala, syempre, maliban sa mga kaibigan, ito pa kayang director ko? Sinabi rin niya na makakatulong sa kanya iyon para alam nya saan kami mag-uumpisa sa pag-uusapan namin sa susunod. Nge! Yun lang yata, kaya ko ginawa ito sa salitang tagalog para di maintindihan ng puting -bakulaw na yun! Hahaha
! Naubusan din ako ng englis. Sa wakas medyo malinaw rin ang post kong ito, nakakatawa pero may kunting kabuluhan, Tenk yu, Lord, matutulog na rin po ako.
Kuya, baka ma-search nya yung ano ibig sabihin ng puting bakulaw… hala ka! hehehe
Sinabi mo rin yung mansyon?
[Reply]
hmm di ko na binnaggit yung mansyon na pinuntahan natin at baka sya pa ang interesadong kukuha ng unit sa condo na yun
Oo nga pal! may tagalog class sya, nakalimutan ko hahaha!
[Reply]