Tom
Tom. Yan ang ipinangalan sa pusang alaga ng aming fraternity. Isa sya sa mga pusang nakaligtas sa ipinataw na death sentence sa lahat ng pusang gala dito sa aming bahay. Ang pangalawa ay si Orange. Noong dumating ako rito sa aming bahay, halos umabot ng dalawampung pusa ang naririto. Iilan lang din sa kanila ang maamo at nahahawakan. Isang buwan na rin ang nakaraan pagkatapos ng aming Council Meeting at dahil kabilang ako sa konseho, kinailangan kong ipagtanggol si Tom at Orange mula sa “kamatayan.” Napagpasyahan na dalawang pusa lang ang pwede at dapat ay mga lalaki, ibig sabihin, walang babaeng pusa ang mananatili sa aming bakuran. Simula noong araw na yaon, inumpisahang hulihin ang lahat ng pusa at isa-isang idinispatsa, kuting man o hindi. Itinuro ko kaagad kung sino ang dapat maliligtas sa kanila at yun, dalawa nga ang naging pusa namin. Ganyan nga ako siguro kalapit sa mga pusa. Naaalala ko pa noong bago kami lumipat ng Palawan, may alaga akong pusang bulag. Mahal na mahal ko iyun, ngunit kailangang iwan namin sya. Nalaman ko na lang sa aming kapit-bahay na noong umalis kami, namatay rin sya. Nalungkot ako sa sinapit nya. At sa nakalipas na dalawang taon, isang Aussi ang nakatira dito sa aming bahay, at marami na noon ang mga pusa rito. Sya ang “serial killer” ng mga pusa, tinuring syang killer dahil isa-isa nyang pinagpapatay ang mga pusang nahuhuli sa pamamagitan ng paglunod sa isang drum ng tubig. Saklap naman. Nasa Cotabato pa ako that time nang marinig ko ang tungkol sa kanya. Nasabi ko sa superior ko na gagawin ko rin yun sa kanyang dalawang aso na kanyang pinakamamahal. Mahilig sya sa aso. Ngunit wala na ang mga aso noong dumating ako at umuwi na rin sa kanila ang puting bakulaw.

grabeh naman yung Aussie na yun? tsk tsk tsk tsk bakit kailangang pumatay ng mga pusa dahil sa mahilig lang siya sa aso may sakit yata iyon e,
naalala ko ang eskinita namin, mukhang eskinita ng mga pusa, yung katapat na bahay kasi namin lahat ng pusa sa daan kinukuha niya hanggang sa manganak na kaya padami ng padami. noong umuwi ako minsan sarap kuhanan ng litrato kaya lang nugn kukunan ko na biglang nagtakbuhan e sayang
[Reply]
Hmm, picture, picture….hahaha!
[Reply]
Kuya, natawa naman ako sa kwento mo! May serial killer at konseho pa dito. Bakit naman sina Tom at Orange lang ang pinagtanggol mo ha? At lulunurin mo pa ang 2 aso ng puting bakulaw! hahaha
[Reply]
hehehe, kasi po ate, mahal ko ang mga pusa kaya lang, sorry an rin dahil lalaking mga pusa lang pwede, patay pa rin mga babae hehe
Opo, kabilang ako sa council.
[Reply]
Oist kuya, off topic muna.. nakita ko na pic ninyo ni Etey sa friendster! hahaha anak na asawa ng ano nga sa Kaliraya yun? hahaha
At sister mo ba yung kasama mo sa isang pic?
[Reply]
Haha!
opo, si Etey nga yun. Then di ko sister yun., kung sister ko yun, e di, formal tayo haha!
[Reply]
Aha! Sabi ko na nga ba!
hahaha
Oist kuya, di ka mahilig sa pics ano? Congratulate mo naman si Meng kuya. Call ka sa haus, cge na
Matutuwa yun! U know the number naman di ba? Tenchu!
[Reply]
uy, tumawag na ako ha
si uncle pa ang nakasagot
“Sabi nya, “Sino ito?” Medyo natakot ako hahaha! pero ok lang, kamag-anak ko naman e
[Reply]