Si Lolo Bonton
Tumunog ang cellphone…and nanay ko pala ang tumatawag mula sa amin. Medyo matagal-tagal na ring di kami nakapag-usap, siguro text-text lang noong mga nakaraang buwan. And everytime na tumatawag sya, napapa-isip ako na may problema na naman sila sa bahay. Ngunit kanina, masamang balita pala talaga. Kamamamatay lang ng aking lolo; uncle ng nanay ko (lolo ko pa rin, di ba?) Nagsimula akong maglakbay-diwa after na kinausap ako ng aking ina.
Sa natatandaan ko, ito ang lolo ko na nagturo sa akin kung papaano uminom ng “tuba” lasenggero din kasi e. Then, di pa nakuntento, tinuruan na rin akong uminom ng beer sa murang gulang. Grade two pa lang ako noon, nagustuhan ko na ang sumama sa kanya lalo na pag takip-silim doon sa niyugan para kumuha ng tuba, at pagdating sa bahay ay hahaluan ng isang basong beer. Masarap rin naman. ‘Yun nga lang isang baso, tama na. Kaya habang binabalikan ko sa aking alaala ang mga nakaraan, di rin naman kalungkutan ang dumapo sa akin, kundi mga masasayang nakaraan. Namatay s’ya dahil sa katandaan and masasabi ko na masaya rin naman s’ya sa mga nakaraang mga taon ng kanyang pamamalagi sa mundong ito. Nakakalungkot din na ang kanyang mga naulila ay dadanas ng kalungkutan. Malungkot ang mamatay pag nag-iisa sa kabaong, symepre ayaw ko munang samahan sya sa kanyang patutunguhan. Naranasan ko nang maiga sa kabaong, wala akong kasama…ikaw sama ka?











iskoo said:
my condolences..
ikaw ba yung nasa kabaong, naalala ko bigla yung mga sinaunang pelikula, ganyang yung mga ginagamit na kabaong sa drakula
[Reply]
sasha said:
condolence uli kuya…
don’t you think condolence is such an empty word? how do you convey grieving for someone with just a word?
naisip ko lang bigla. kasi nung namatay si willyboy, yung brother ko, sobrang nainis ako sa salitang yan! mas okay siguro na yakapin ka kasi it conveys so much more than a word.
anyway, cge yun lang naman kuya… sinabi ko rin naman na condolence, heheh
ang spooky talaga nyang pic mo na yan.
[Reply]
Vince said:
iskoo, ako nga ho, wala akong pics ni lolo kaya yan na lang muna… isang oras lang din naman akong natulog dyan gawa na kailangan talaga…
Ate Sash, tnx so much… hug mo ako next time, ok? hwag na muna ngayon
[Reply]