Nov 28th, 2006 by brVince |
Pasakalye lang….
Nahihilo pa akong umalis from our place going to Ateneo this early afternoon. I felt the need to take a nap pero I needed to reply to some emails I received and signed 10 christmas cards na ipapadala overseas.
While sitting on this concrete bench, natatawa ako dito sa mag-syota just seven meters away from me. Umiiyak si lalaki while halata ring nangingiyak si babae; magkadikit pa ang mga balakang. Sa isip ko lang, wala kayang maliligaw dito sa aking kinauupuan para tumabi? Lol! It’s been five years na wala akong special someone and the thing is, I can’t have one or to have one anymore. I vowed for it, hopefully for life. Nasulyapan kong tinuka ni lalaki si babae. Naks! Nahalata ko ang aking sarili na binabantayan ko na pala sila na kaninang-kanina lang, nag-aaway pa sila, sa palagay ko lang. Di ko napigilang ngumiti sa aking nasaksihan at doon ko na-recall ang mga kwentong teenager ni
Potpot. Nasabi ko sa sarili ko, “Di bale, di nyo rin alam na masaya ako sa buhay mayroon ako” Ngumiti na lang ako at nagpasalamat.
Today is my 8th session with the counselor. Medyo matagal-tagal na rin and I’m happy naman sa mga nagdaang appointments ko. Pero kung tutuusin concern din ako sa gastos dito. For 8 times lang, umabot na ng PhP 30,000.oo Kaya pansamantala, humingi muna ako ng “pause” kumbaga at pinayagan naman dahil di naman yan ang malaking dahilan kundi ang redundancy ng process. May spiritual director na ako, may accompanitor and ito pa na professional help from outside. Mapalad nga naman ang taong maraming nagmamahal sa kanya, I feel that too. Di halaga ng pera ang pinag-uusapan kundi ako mismo, ang naging buhay ko at ang magiging buhay ko sa hinaharap. Magkikita kami uli sa December 19, doon pa rin, kaya it’s another date again… then before and after summer…
Image taken last night only….
ghee said:
hmmm,kaya pala malungkot ka?
maraming temptations,Vince..pero I believe na malalagpasan mo yun..
grabeh,ang mahal!
good luck talaga
[Reply]
potpot said:
teehahah!! shen! grabe kuya.. at special mention pa talaga ako.. hahaha.. hindi naman kami masiadong ganian. na sa public nag iiyakan.. hahaha.. natatawa ako.. hahah..
shen
[Reply]
tina said:
as long as happy and contented ang isang tao sa ginagawa nya… it doesnt matter.
[Reply]
rHo said:
inggit si kuya Vince…. uyyyyyyyy!!! hahaha! mang-asar daw ba?! joke lang…
alam ko naman na marami ka ng nalagpasan na ganyan at kung may dumating man… kayang-kaya mo ulit yun!! ikaw pa… i can sense na masaya ka and happy rin ako for you! ingat lagi ha… God bless!
[Reply]
franco said:
teka alam mo bang after posting an article just like this one.. i found my soulmate???… someway somehow makikita mo din ang para sayo! lighten up dude!!!
[Reply]
nona said:
I’m sure happy ka sa pinili mong buhay BIG bro…and sana whatever hindrances that will come your way, malalagpasan mo lahat.
God Bless you along your way…patungo sa daang gusto mo..:)
[Reply]
razzy said:
teka teka teka… ikaw po ba ay nagpapari??
[Reply]
Lazarus said:
San mig endorser kana rin ba tulad ni Manny and Kris?
[Reply]
sasha said:
Ang mahal nga nyan, kuya! Alam mo ang akala ko, yung isang session mo mga 2 hours din tinatagal. 1 hour lang pala! Kamahal! Mahal ka nga, kuya! hehehe
Parang antok ka na dyan sa pic mo ah. Nakakailan ka na nyan? *peace*
Kaya mo naman yan e. Ikaw yung tao na (feeling ko lang ‘to ha) kakayanin mo kasi you already pledged yourself to something. Kaya, I’m sure, kaya mo yan! Parang redundant din itong nasabi ko ano? heheh
[Reply]
Ann said:
Nagpapari ka ba Vince? Bakit wala ka sa seminaryo? Sensya na ha kasi di ko pa nababasa ang archive mo.
Ikaw ba sumusuporta sa lahat ng gastos mo ryan or may sponsor ka?
[Reply]
manilenya said:
saan galing yung 30 K? ng makahingi rin
[Reply]
Vince said:
Ate ghee, di naman ako malungkot, naging contemplative lang for a while while enjoying my aloneness…
Potpot, talaga kasing na-amuse ako sa buhay student ano. sa nakita kong mag-syota, medyo nainggit lang hehehe
Tina, hmmyes, im contented too.. and happy of course.
Rho! hehhe, inggit lang? pasalamat ka dahil meron ka na Lol! as of now, medyo kaya naman… kayabangan? hahaha!
Franco, di na me naghahanap, lol! hayaan mo sialng maghanap, dahil tatago ako yaiks!
Nona,
yes BIG tnx for that….
Razz, confused pa rin ba after nag YM tayo? Lol!
Lazarus, heheh, naubusan lang ng red horse kaya medyo ganyan sometimes. kjuy, kelan ba inuman sa inyo
Ate sash, ganyan ako kamahal ng mga nagmamahal sa akin, gagastusan talaga kahit ano pa… heheheh.. hmm, antok lang yan, di pa ako lasing LoL!
Ate Ann, nasa “semianryo” po ako, the term we use is different kaya di sya actually semianry but a scholastictae. and lahat gasto po ng congregation namin.
Ate melai, galing po yan sa schools namin..
may tax sila
Salamat po sa inyong lahat, sa suporta at pagbabasa….
[Reply]
mics said:
may beer oh..
)
kuya, since this is a late post, can i ask you something about you? are you a priest or a muslim?
i don’t discriminate people. just being curious w/ some of your post. that’s why. tnx kuya!
[Reply]