The Itinerant's Path

A young Religious Brother's ramblings as expressions.

Portrait

St. Marcellin's Class

The first advisory entrusted to me.. The Crusaders!

SMC Class

To the youth...

Cherish the days while you're young!

Children

Adopt-a-child

"Jesus talks to and blesses the children..."

Orphans

Beautiful...

Wow!

Action

Saint Marcellin's

Teach... love the children

Action

Saint Bart's Class

Presence...

Action

Blogging from Ateneo (Part 2)

Nov 14th, 2006 by brVince | 2

Medyo madilim ang pagmumukha ko today. Simula pa this morning, halo-halong emosyon ang aking nadama. Nababagot, mainit ang ulo, inaantok sa klase at higit sa lahat, libog. Nakakatawa nga pero may mga dahilan naman at naipapaliwanag. Ito ay isa sa kadahilanang naiinis ako sa aking guro. Actually, dalawang subject na nga lang kaninang umaga; isang oras sa first period then tatlo sa next period up to 12 noon. Pag-sobrang bagal ng lessons, nagsisimula na akong mabagot at mainis, susunod ay aantukin, tuluyan na ring malibog. Dagdag pa sa katotohanang di talaga ako nagsusuot ng underwear kaya napakasakit nga naman lalo na at maong ang aking suot kanina; what a revelation I have today! ‘tang-yagit! Nang sa susunod na subject, nanalangin talaga ako na mag-subside na ang aking mga nararamdaman, feeling talaga, at bigyan ako ng mapayapang pag-iisip, tamang pang-unawa at kababaang-loob. Pride na kasi ang umiiral dahil sa teacher kong mas weird pa kesa sa akin. Weird naman talaga yung teacher kong nerd. Animo’y s’ya lang ang nakakabasa ng lahat ng theology books sa buong mundo.


Naaalala ko na naman ang nangyari last meeting namin. Ang simple debate na nauwi sa argumento dahil sa di ako naniniwala sa kanyang mga sinasabi at dahil sinabihan rin akong di nakikinig. Nire-rephrase ko nga lang ang kanyang pinagdadaldal that time, na-ulol s’ya kaagad, kaya todo ngiting-aso ang sinumbat ko sa kanya habang taranta s’yang nag-e-explain sa mga “theological questions” ko. Kaya kanina halos buong duration ng klase tameme ako ngunit galit pa rin and mix emotions na talaga ang nararamdaman ko.

Kaya ang pinakamagandang nangyari sa araw na ito? After ng appointment ko sa Ateneo, nag-text ako kay ate Sash para sumunod sa location nya and presto! in 45 minutes nagkita nga kami sa SM North. Medyo malayo rin ang narating ko today. For the fact na di na ako nag-attend ng basketball game namin, nag-absent na rin ako sa fraternity meeting ko kanina lamang. Medyo gumaan nga ang down moments today dahil na rin sa isang malamig na kape, eh, iced coffee pala. Ok na ako, ate… Smile na rin ako nang dumating ako sa bahay before supper time, kaya di halata, next time uli… Lol!


2 Comments on “Blogging from Ateneo (Part 2)”


  1. sasha said:

    Hahaha

    Ayun naman pala ang dahilan! Hehehe… at least dahil sa ice coffee mo eh lumamig na ang ulo mo hehehe

    O alisin na nga ang pride, kuya ok? At aminin mong pumayat ako ng konti! Hahahah

    [Reply]


  2. DOPS said:

    tztztz… mao diay ni kay magsigeg pakigsumpaki sa mga teacher, hulat lng nga ikaw na mabutang sa ana nga lugar aron ikaw na poy makakitag student nga pareho nimo, hehehe…

    bahin anang makinab-anon nga feelings…aw antos-antos ra…hehe…

    -Dops

    [Reply]


Leave a Reply

WP SlimStat